Rider tumilapon, pisak sa trak sa Makati

MANILA, Philippines – Hindi nakaligtas kay kamatayan ang isang motorcycle rider matapos tumilapon bago nagulungan ng trak sa South Luzon Expressway Lunes ng madaling araw.

Ayon sa pangunang imbestigasyon, binabagtas ni Jun Yasul, 57, residente ng Multinational Village, Moonwalk, Parañaque City,  ang kahabaan ng SLEx na sakop ng Magallanes nang mangyari ang aksidente bandang 3:30 ng madaling araw.

Tumilapon si Yasul mula sa kanyang motorsiklo nang mabangga sa likuran ng isang kotse, bago magulungan ng kasalubong na truck.

Kaagad namatay si Yasul, ayon sa awtoridad.

Tinutugis naman ngayon ang nagmamaneho ng kotse at trak na kaagad tumakas matapos ang insidente.

Show comments