E-waste awareness isinulong

MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain si Quezon City Councilor Karl Castelo ng isang ordinansa na magsasabatas sa paglalagay ng mga recycle bins o basurahan sa siyudad para sa tamang pagtatapon ng mga electronic waste (e-waste).

Ayon kay Castelo, ang mga e-waste ay mga cellphone, tablet, computer, battery at mga char­gers na hindi na ginagamit.

Paliwanag ni Castelo na kailangan ang tamang pagtatapon ng mga e-waste upang ma-recycle ang mga ito at mapa­ngalagaan ang kapaligiran at kalusugan ng publiko.

Aniya, ang mga e-waste na bumabagsak sa mga landfill at incinerator ang nagiging ‘toxic’ na nakakadumi sa hangin na hinihinga ng mga tao at lupa kung saan kumuha ng pagkain.

May mga establisim­yento na namamahala sa e-waste recycling program, kabilang na rito ang mga malalaking telecommunication companies na handang tumulong upang maitapon ng maayos ang mga e-waste.

Sa kanyang panukala, dapat magkaroon ng sariling basuhan para sa e-waste ang bawat barangay sa Quezon City.

Ayon na rin sa mga pag-aaral, ang isang cadmium battery ay kayang kontaminahin ang may 600,000 litro ng tubig kung hindi ito maitatapon sa tamang paraan.

Show comments