Ama ni Enzo Pastor nagulat na suspek ang manugang

MANILA, Philippines — Hindi inakala ng ama ng pinatay na race car driver na si Enzo Pastor na may kinalaman ang kanyang manugang sa pagkamatay ng anak.

Sinabi ni Thomas Pastor ngayong Huwebes na nagulat siya na suspek ang misis ng kanyang anak na si  Ms. Dalia Guerrero Pastor.

"We were shocked and surprised. We are not expecting that the wife of my son is involved in the killing," pahayag ng nakatatandang Pastor sa pulong balitaan kasama ang mga tauhan ng Department of Interior and Local Government.

Kaugnay na balita: Misis ni Enzo Pastor kinasuhan na

Kinasuhan ng Department of Justice kaninang umaga ang mga suspek na sina Dalia, ang gunman na si Police Officer 3 Edgar Angel at ang umano'y mastermind na si Domingo de Guzman.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad sina De Guzman at Angel, habang nagtatago pa rin si Dalia.

Samantala, sinabi ng Bureau of Immigration na hindi pa nakalalabas ng bansa si Dalia na umano'y  karelasyon si De Guzman.

Kaugnay na balita: Asawa ni Enzo Pastor suspek na

"The suspect in the race car driver murder, Ms. Dalia Guerrero Pastor, with date of birth on September 15, 1985, is still in the country based on travel records," pahayag ni Immigration Commissioner Siegfred Mison.

Show comments