Riles ng MRT binaha, operasyon limitado

MANILA, Philippines — Limitado ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 ngayong Miyerkules matapos bahain ang riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station.

Sinabi ni MRT spokesman Hernando Cabrera na bandang 2:05 ng hapon nang ipinatupad ang limitadong biyahe ng MRT mula Shaw hanggang North EDSA station na lamang at pabalik.

Hindi pa naman malaman kung anong oras makababalik sa normal na operasyo ang MRT.

Show comments