'Mastermind' sa pagpatay kay Enzo Pastor timbog

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang umano'y nasa likod ng pagpatay kay international race car driver Ferdinand "Enzo" Pastor.

Nasakote ang hindi pinangalanang mastermind sa lungsod ng Muntinlupa.

Ayon sa mga ulat, nabawi mula sa suspek, na isang negosyante, ang iba't ibang armas at pera.

Samantala, umamin naman ang umano'y gunman na si Police Officer 2 Edgar Angel na binayaran siya ng P100,000 ng negosyante upang itumba si Pastor.

Pinatay si Pastor noong Hunyo 12 habang nagmamaneho sa lungsod ng Quezon.

Patungo sana sa isang racing event si Pastor nang maganap ang krimen.

Show comments