Klase sa PUP sinuspinde dahil sa bomb threat

MANILA,  Philippines – Binulabog ng bomb threat ang klase sa Polytechnic University of the Philippines sa Maynila ngayong Martes.

Ayon sa mga ulat, sinuspinde ng pamunuan ng pamantasan ang klase matapos makatanggap ang isa nilang empleyado ng mensahe na may itinanim na bomba sa loob ng paaralan.

Kaagad pinalabas ang mga estudyante at mga guro upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Hinahalughog pa rin ng anti-bomb squad ang paaralan upang makumpirma kung mayroon talagang bomba.
 

Show comments