CIDG pinabulaanan ang 'suicide' ni Deniece Cornejo

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ng kapulisan ngayong Lunes na nagtangkang magpakamatay ang modelong si Deniece Cornejo.

Sinabi ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group director Chief Superintendent Benjamin Magalong na nag-ukit lamang ng letrang WR si Cornejo sa kanyang braso gamit ang isang pang-ahit.

Dagdag niya na ayon kay Cornejo ay “women's rights” ang ibig sabihin ng kanyang iniukit sa braso.

Nakakulong si Cornejo sa CIDG facility dahil sa kasong serious illegal detention laban na inihain ni TV host na si Vhong Navarro.

Nag-ugat ang umano'y pagpapakamatay matapos ibasura ng korte ang isinampa niyang kasong panggagahasa laban kay Navarro.

Show comments