Mister di-nabayaran ang utang, dinedo

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­malubong sa isang mister matapos itong barilin ng riding-in-tandem assassins habang naglalakad kasama ang kanyang mag-ina kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Jesus Beronio, vendor, ng Brgy. Guadalupe Nuevo sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Villaranda ng Station Investigation and Detective Management Section, naganap ang krimen bandang alas-8 ng gabi habang naglalakad ang biktima kasama ang kanyang mag-ina.

Nabatid, na kalong ng biktima ang kanyang anak nang lapitan at barilin sa ulo ng isa sa tandem kung saan hindi naman idinamay ang mag-ina.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Jennifer, noong nakaraang linggo ay  nakatanggap ng death threat ang kanyang mister dahil sa utang nito na 5-6.

Pinaniniwalaang hin­di nakabayad ang biktima kaya pinatahimik na lamang.

 

Show comments