Negosyante nilikida sa gasolinahan

Sinusuri ng mga tauhan ng Makati City PNP Scene of the Crime Operatives ang kotseng inambush ng mga di-kilalang lalaki sa panulukan ng Evangelista at Arguilles Street sa Barangay Pio Del Pilar sa nasabing lungsod kung saan napatay ang biktimang si Mark “Dodong Bagang” Felizardo. (Edd Gumban)

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang negos­yanteng mister matapos itong pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki habang nagpapakarga ng gasolina sa kanyang sasakyan  sa gasolinahan sa Makati City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Mark ”Dodong Bagang”  Felizardo, may negosyong buy-and-sell ng mga sasakyan at residente sa Evangelista Street, Barangay Bangkal sa naturang lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SP01 Rico Caramat ng Homicide Section, Station Investigation Branch (SIB), Makati City PNP, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng umaga sa Petron Gasoline Station sa panulukan ng Arguilles at Evangelista Street sa nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ang biktima ng Toyota Altis at habang nagpapakarga ng gasoline ay nilapitan at nirat­rat  ng tatlong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril ay mabilis namang nagsitakas ang gunmen kung saan narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng M16 Armalite rifle, cal. 45 pistol at cal.9mm pistol.

Show comments