Lalaki itinumba sa QC

MANILA, Philippines - Hindi inakala ng 29-anyos na lalaki sa Quezon City na huling laro na pala niya iyon ng kara krus matapos siyang tambangan ngayong Biyernes.

Tatlong tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktimang si Edwin Molinas habang nagsusugal malapit sa isang lamayan sa Batasan Hills, Quezon City.

Kaagad tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek na gumamit ng kalibre .45 para patumbahin si Molinas.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pananambang.

Nitong Linggo lamang ay nagulantang ang lungsod ng Quezon matapos ang walang habas na pamamaril ng armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo.

Pito ang nasawi sa insidente, kung saan anim na suspek ang nadakip ngunit isa lamang ang nakasuhan.

Show comments