Japanese dinale ng rider-snatcher

MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na Japanese national ang natangayan ng pera at gamit  nang hablutin ang kanyang mamahaling bag ng isang motor­cycle rider sa Ermita, Maynila,  kama­kalawa.

Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktimang si Masanori Kawabata, may-asawa, tubong Yamatorya, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Room 621 Dusit Hotel, Makati City matapos siyang mabiktima ng rider-snatcher.

Ayon sa reklamo, isang hindi naplakahang motorsiklo na sakay ang isang lalaking naka-helmet ang dumikit  sa naglalakad na biktima at hinablot ang shoulder bag na Louis Vuitton, na nagkakahalaga ng 300,000 Japanese Yen, dakong alas-4 ng hapon noong Sabado, sa Maria Orosa St., malapit sa UN Ave., Ermita, at hu­­marurot ng takbo.

Bukod sa halaga ng bag, may laman pang Y300,000 cash ang wallet­, tablet na nagkakahalaga ng Y80,000 at  Tiffany key holder na may halagang Y13,000.

Show comments