Gusali sa Maynila natupok

Inaapula ng mga bumbero ang apoy na sumiklab sa isang gusali sa Ermita, Maynila kung saan natupok ang isang bangko. (Kuha ni Joven Cagande)

MANILA, Philippines - Inaalam pa ng Manila Fire Bureau ang dahilan ng naganap na sunog sa isang commercial building, kung saan natupok ang isang sangay ng Union Bank at 20 pang establisye­mento, sa P. Faura st., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni  SFO1 Ruel Angeles, nagsimula­ ang sunog sa JMBM building sa P. Faura st., Ermita, Maynila, dakong alas-9:46 ng umaga na idineklarang fire-out dakong alas-10:49 ng umaga na umabot sa ika-5 alarma.

Nabatid na unang umusok sa kisame ng isa sa opisina sa ikalawang palapag hanggang sa kumalat na ang apoy hanggang sa madamay ang mga nasa ibabang establi­si­yemento kabilang ang nasabing bangko, money remittance center, travel agency , money changer at iba pang opisina.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.

 

Show comments