Sekyu inatado habang nagdu-duty

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi makaraang pagsasaksakin ng hindi nakikila­lang salarin sa mismong pinagta­tanuran nito sa lungsod Quezon­, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO1 Cris Zaldarriga, ang biktima sa pa­ngalang Jo Mabanan, security guard ng Alcal Building­.

Ayon kay Zaldarrriaga, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay at may mga saksak sa buong katawan sa mismong gusali na pinagtatrabahuhan nito sa Katipunan Avenue, Barangay Loyola Heights, sa lungsod.

Lumilitaw sa imbes­tigas­yon na ang biktima ay nag­tamo ng mga saksak sa buong katawan na siyang agad na ikinamatay nito.

Samantala, inaalam din ng imbestigador kung sino ang huling kasama ng biktima bago ito matagpuang patay.

Show comments