Dayuhan sinalvage

MANILA, Philippines - Sinalvage ang isang hindi pa kilalang lalaki  na hinihinalang isang banyaga na natagpuang nakasilid sa isang itim na trash bag,  may mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nababalot ng tape ang mukha at mga kamay  sa Muelle de la Industria  sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima sa edad na 30-35 anyos, nasa 5’5’’ ang taas, maputi at itsurang Chinese o Korean, nakasuot ng kulay puti na t-shirt at asul na shorts.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, namataan ng isang jeepney driver ang bangkay dakong alas-3:39 ng madaling-araw sa ilalim ng Jones Bridge sa nasabing kalye at ipinabatid sa mga nagpa­patrulyang  pulis.

“Parang Koreano o Intsik ang mukha,” ani SPO3 Vallejo.

Patuloy pang iimbestigahan ang kaso upang matukoy ang motibo at kung sino ang  nasa likod ng pamamaslang.

Show comments