DTI nagbabala vs smuggling ng paputok

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa ilang negosyante na nagbebenta umano ng smuggled na paputok partikular sa area ng Divisoria, Maynila.

Sa isang intelligence report ng DTI, nagkalat umano sa naturang lugar at talamak umano ang bentahan ng illegal na mga paputok na smuggled  mula sa  bansang China.

Lumilitaw na sangkot umano ang ilang tauhan ng Bureau of Customs (BoC), Manila Police District (MPD), National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation Detection Group (CIDG)  sa pagpasok sa bansa  ng mga smuggled  na paputok mula China na may tatak na Diamond Fire Crackers na pag-aari  ng isang Ana Chua at The Great Leapard Fire Crackers na pag-aari naman ng isang  Anthony Chong.

 Sa kabila nang mahigpit na kampaya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino  III laban sa smuggling ay patuloy umano ang operasyon ng naturang illegal  na gawain dahil sa ilang tauhan ng nabanggit na mga ahensiya.

Dahil sa impormasyon, nagbabala ang DTI sa mga mamimili  na huwag basta tatangkilikin ang naturang illegal na produkto dahil hindi nakakasiguro dito. May pananagutan din ang mga nagbebenta

Show comments