Mister nag-suicide matapos mag-away ni misis

MANILA, Philippines - Matinding sama ng loob matapos silang mag-away ng kanyang misis ang nagtulak sa isang mister para magpatiwakal sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Jonard Laurel, 35, isang factory worker, ng Vizcarra St., Malibay, ng naturang lungsod sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO1 Cris Gabutin, ng Station Investigation Branch (SIB), Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Bago ito ay nagkaroon muna sila ng matinding argumento ng kanyang misis na si Rehlida, 34, sa hindi binanggit na dahilan.

Matapos ito ay kumuha ng patalim ang biktima at sinaksak nito ang sarili hanggang sa duguan itong humandusay.

Umiiyak na isinugod ni Rehlida ang kanyang mister sa naturang ospital, su­balit   hindi na ito umabot ng buhay.

 

Show comments