^

Metro

Holdaper timbog sa Quiapo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng isang opis­yal ng Manila Police District Plaza­ Miranda-PCP ang isang holdaper matapos itong maaktuhang nambibiktima ng isang negosyante kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Kasalukuyang nakapiit  ang  suspect na nakilalang  si Eric Dalgan, 44, miyembro ng  Batang City Jail at residente ng  #843 Globo de Oro St. Quiapo, Maynila.

Batay sa report, nagsasagawa ng   pakikipagpulong sa mga barangay chairman si Insp. Rommel Anicete, Plaza Miranda-PCP Commander nang makita nitong tinututukan ng patalim at hinoholdap ng suspect ang biktimang si  Fabian Camingue, 58, ng  Moonwalk, Parañaque.

Agad na nilapitan ni Anicete ang suspect subalit agad itong  tumakbo ng makita ang  una.

Gayunman, nagkaroon ng habulan hanggang sa masakote ang  suspect na positibo namang itinuro ng biktima. Nabawi mula sa suspect ang halagang  P670.

Sasampahan ng kasong illegal possession of firearms si Dalgan.

 

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

ERIC DALGAN

FABIAN CAMINGUE

MANILA POLICE DISTRICT PLAZA

MAYNILA

ORO ST. QUIAPO

PLAZA MIRANDA

ROMMEL ANICETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with