Oil price hike sa petrolyo, nakaamba na naman

MANILA, Philippines - Hindi pa man naka­kabangon sa panibagong pagtaas, may nakaamba na namang oil price hike ang mga kompanya ng langis anumang araw ngayong linggo.

Nauna nang nagpahayag ng planong pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang kompanyang PTT ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at hanggang 70 sentimos naman ang idadagdag sa kada litro sa diesel.

Ipinaliwanag ng kompanyang PTT na naka-apekto sa presyo ng langis ang paghina ng halaga ng piso at ang krisis sa bansang Syria.

Samantala, posib­leng magpatupad din ng P3.00 dagdag kada kilo o P33.00 kada 11 kilo­­gram ng tangke ng Liquefied Petroleum Gas ang LPG-Marketers Association anumang  oras at araw.

Show comments