PNR trains, balik operasyon

MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na balik na ang operasyon ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) simula kahapon.

Ang naturang balita ay inanunsiyo ng DOTC sa isang advisory na inilabas nito sa kanilang Twitter account na @DOTCPhilippines.

Matatandaang una nang sinabi ng DOTC kama­kalawa na suspendido ang operasyon ng lahat ng tren ng PNR dahil sa mataas na baha sa ilang lugar na dina­raanan nito.

Dumanas ng malawakang pagbaha ang Metro Manila at mga karatig na lalawigan dahil sa walang humpay na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinaigting ng bagyong Maring.

Ang bagyong Maring ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon.

 

Show comments