Mekaniko ng bangka dedo

MANILA, Philippines - Patay ang 33-anyos na mekaniko ng bangka matapos sumalpok sa dalampasigan ang sinasakyan nitong speed boat kahapon ng uma­ga sa karagatang sakop ng Navotas City.

Napatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Joselito Lista, may asawa, kawani ng K2top Marine Service Inc, at nakatira sa #109 CLS Building, Dagat Dagatan,  Caloocan City.

Ayon sa mga nakasaksing sina Fraylan Rabe at Rolando Bri­nez, sakay ng speedboat ang biktima para pumalaot ngunit sa lakas ng alon ay nawalan ng kontrol ang bangka.

Dito nagtuluy-tuloy na bumangga sa dalampasigan ang speedboat kung saan nagresulta sa matinding pagkasugat sa tiyan at katawan ng biktima.

Naisugod sa nabanggit na ospital ang biktima subalit ilang oras lang ang nakalipas ay nalagutan ito ng hini­nga.

Show comments