Lim sa mga PLM graduates: Alagaan ang inyong mga magulang

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga  graduates ng  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na mahalin, alagaan at pahalagahan ang kanilang magulang na nagsikap at nagtiis upang   makatapos ng  pag-aaral.

Bukod kay  Lim dumalo din sa  ika 45th commencement exercises  ng unibersidad sina

Senator Francis `Chiz’ Escudero , PLM president at secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas, vice presidents Atty. Gladys Palarca at Dr. Oliver Sta. Ana at mga miyembro ng board of regents.

“Graduate na din kayo sa lahat ng sakripisyo, pagtitiis at pagpapakasakit na kayo ay mapagtapos sa kolehiyo.  Lahat ng magulang, ke mahirap o mayaman, iisa ang pangarap at panaginip. Ang mapagtapos ng kolehiyo ang mga anak.  Kaya lahat ng pasanin sa balikat gagawin nila, mapagtapos lang kayo. This is a day of triumph of your parents,” ayon kay Lim.

Apela din ni Lim sa mga graduates na matutong tumanaw ng utang na loob upang mas maging magaan at  mabilis ang pag-asenso.

Sinabi ng alkalde na may 80 senior citizen ang kinakalinga ngayon sa Boys’ Town Center  na pawang inabandona ng kanilang pamilya.

Show comments