Salvage victim natagpuan

MANILA, Philippines - Hinihinalang biktima ng summary execution ang isang lalaki matapos matagpuan ang bangkay nito na nakalagay sa loob ng isang kulay itim na plastic garbage, na may mga tama ng bala ng baril sa ulo sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima at suspect na sinasabing responsable sa brutal na kamatayan ng una.

Ayon sa pagsisiyasat ng Pasay City Police, habang nagpapatrolya ang kanilang mobile car sa MMDA Access Road, Macapagal Boule­vard, Barangay 76, Zone 10, ng naturang lungsod dakong ala-1:45 ng madaling-araw nakatanggap sila ng report na isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa madamong lugar.

Kung saan nakalagay ang bangkay ng lalaki sa isang kulay itim na plastic garbage at may mga tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo nito.

Posible aniyang biktima ng summary execution at itinapon lamang ito sa naturang lugar.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

Show comments