Sa halip na Christmas party, fund raising idinaos ng NBI

MANILA, Philippines - Sa halip na Christmas party, fund raising ang isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga nasalanta ng Bagyong Pablo, na isinagawa sa NBI Gymnasium sa Taft Avenue, Manila.

 Isang gabi ng kasiyahan at kantahan ang idinaos, kasama ang special guest na si DOJ Sec. Leila De Lima, na kumanta rin sa harap ng punong bulwagan.

Sinabi ni NBI Director Nonnatus Rojas, pansamantala silang tumigil sa imbestigasyon ng mga scammers, pang­huhuli ng mga suspect at tumutulong sa mga bik­tima ng hazing. Tinawag ang concert na “The Officers, The Gentlemen and Their Music” kung saan kauna-una­hang pagkakataon ito para makalikum ng pondo sa isang magandang layunin ang NBI.

 Walang tumapat sa rendition ni De Lima na Dancing Queen, na nagpasayaw sa mga nanood ng concert. 


Show comments