Holdaper ng joggers, timbog

MANILA, Philippines - Nadakip na ng pu­lisya ang isang notor­yus na holdaper na sinasabing nambibiktima sa mga nag­dya-jogging at namamasyal sa Jogging Lane sa Marikina City makaraan ang isang operasyon ng pulisya kamakalawa.

Nakilala ang naa­restong suspek na si Conrado Villanueva, 25, ng Green St., Purok 5, Malanday, ng naturang lungsod. Nakatakas naman ang kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas “Bong”.

Positibong kinilala ang suspek ng mga bik­timang sina Sandro Pa­nganoron, 25; at Maribeth Segualan, 41, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Marikina City Police, sinabi ng da­­ lawang biktima na kap­wa sila nakaupo sa gi­lid ng Jogging Lane sa may Brgy. Jesus Dela Pena nang duma­ting ang dalawang suspek lulan ng isang bisikleta dakong alas-10:30 kamaka­lawa ng umaga. Agad umanong naglabas ito ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Nilimas ng mga suspek ang cellular phone at pera ng mga biktima saka nagmamadaling tu­­­makas. Agad namang humi­ngi ng saklolo ang mga biktima sa pinakamalapit na presinto. Nagsagawa ang pu­­lisya ng follow-up operation kung saan na­­ dakip si Villanueva at narekober ang mga ninakaw na gamit ng mga biktima, patalim at maging ang bisikleta.

Show comments