^

PSN Showbiz

Coco gagaan na ang pakikipaglaban

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Coco gagaan na  ang pakikipaglaban
Coco

Lahat ng manonood ng FPJ’s Ang Probinsyano ay ina­abangan na ang pagba­bago na magaganap sa serye. Kina­kailangan nang mawala na o mag-babu sa show ang ilang mga artista na tatakbo sa darating na halalan. Hindi allowed ang mga ka­­kan­didatong mga artista na magkaro’n ng shows, appearan­ces, movies, at iba pang mga exposure na maglalagay sa kanila sa isang sitwasyon na mabibigyan ang kanilang kandidatura ng bentahe na hindi magagawa ng mga non-showbiz candidates. Pa­paano kaya maiaalis sa serye ang mga character nina Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario at Edu Manzano gayong mga malalaking roles ang gina­gampanan nila at kakakasal pa lamang ng character ni Lito kay Angel Aqui­no? With Edu and Jhong gone, sino pa ang magpapahirap sa buhay ni Kardo Dalisay (Coco Martin)?

Gretchen magaling magpapansin?!

Biglang naging kontrabida si Gretchen Barretto sa buhay ni Kris Aquino nang dumako siya sa kampo ng dating nagmamaneho ng negosyo ng Queen of all Media na sinampahan nito ng demanda. Hindi na bago ang ganitong kilos ni La Greta. Kung gusto niyang magpapansin ay nagawa na naman niya. Marami nga ang curious sa ginawa niyang aksyon na hindi pumabor kay Kris. Nagtatanong sila kung ano talaga ang relasyon ng magandang artista sa kalaban ni Kris na bigla niyang kinampihan. Ano nga ba?

Joshua malapit kay Julia ang biniling bahay

Maraming fans ng JoshLia ang nagtatanong kung bakit hindi na-extend ng ABS-CBN ang Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Magtatapos na ito sa linggong ito ng mataas ang rating at hindi nagbabago ang ganda ng kuwento. Katunayan lahat ng mga nanonood nito sa huling linggo ng pagpapalabas nito ay nakisama sa kanilang pag-iyak dahilan sa paghihiwalay ng kanilang mga characters sa serye.

Nakalipat na si Joshua sa kanyang bagong bahay kahit hindi pa ito tapos na tapos. Gagawin na lamang nila ang pagkumpleto ng bahay kahit nakatira na sila dito. Sa bagong bahay na sila nag-spend ng New Year ng kanyang pamilya.

Sa April naman balak tirhan ni Julia at ng kanyang family ang kanyang new house which is a 5-minute ride from Joshua’s house.

Zeus ipapa-renovate na ang tahanan

Napakaswerte naman ni Zeus Collins na maging unang milyonaryo ng programang Minute To Win It na ibinalik ng ABS-CBN sa ere kasama ang da­ting host nito na si Luis Manzano.

Isa si Zeus sa mga mabilis na sumisikat na miyembro ng Hashtags.

Gagamitin niya ang P1-M na panalo niya para sa renovation ng bahay nila sa Rizal na ipinakita sa TV na talagang nangangailangan na nga ng repairs.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with