^

Kutob

Marso 21, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Makakakita ka ng pagkakataon na tumaas pa ang iyong posisyon o ranggo. Ngayon mo aanihin ang lahat ng pagtitiyaga at pagsisikap sa maraming taon. Mag-relax kapag may time. Lucky numbers at color for the day ang 8, 22, 34, 39 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magiging handa ka sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig. Magkakaroon ng katahimikan ng puso mo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 30, 37 at aqua blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Maraming mag-aalok ng pag-ibig. Pero hindi lahat sila ay may maganda at wagas na layunin. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 27, 40 at tangerine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magkakaroon ka ng magandang araw. Mag-impok para sa pinaghahandaang kasalan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 32, 43 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maligalig ang iyong isipan dahil sa masasagap na balita. Iwasan ang mag-isip ng masama sa iyong kinakasama. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 20, 35 at garnet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mabuting umpisahan ng maaga ang balak para sa linggong ito. Iwasan ang makipagkasundo sa dating kasintahan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 25, 43 at baby pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ngayon ka magigising sa isang malaking kahibangan. Matutuklasan mong mali pala ang pag-ibig na ipinaglalaban. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 36, 41 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magkakatotoo ang iyong kutob. Subalit makakabuti kung magpaimbestiga ka muna bago magpasiya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 36, 39 at marine blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maaaring atakihin ka ng hypertension bunga ng sobrang pressure at pagod sa trabaho, kaya mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 30, 34, 40 at shocking pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag maniwala sa mga sinasabi ng minamahal na mahal na mahal ka niya. Huwag agad isuko ang da-ngal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 26, 37 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Tanggap na ng mga tao na malapit sa iyo ang pagkatao mo. Huwag basta maniwala sa kakakilala lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 30, 44 at emerald green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Hintayin mo ang desisyon ng minamahal bago ka pumalaot. Iwasan ang paggastos ng sobra. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 20, 31 at magenta.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with