Hulyo 30, 2020

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedule at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak hindi matutupad. Iwasan muna ang maglalabas para makaiwas sa sakit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at golden brown.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow gold.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Unahin ang kapakanan bago ang iba. Wala mabibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Huwag mawalan ng pag-asa. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at flaming red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magugulat ka sa makikita dahil hindi sukat akalain, isang dating insidente ang mauulit. Abot-kamay na ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag sagarin ang sarili sa trabaho dahil kalusugan ang bibigay. Makakahanap ka ng tamang solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 29, 35, 42 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Malilito sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa para makapag-isip ng tamang paraan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Huwag dibdibin kung may nagawang mali at ipalagay na charge to experience na ito. Sikapin na maituwid ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 20, 29, 34, 42 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng hindi makakalimutang sandali. Maging matatag sa lahat ng oras. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa paligid, itikom ang bibig. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maraming kaibigan ang nagmamahal, kung tulong ang kailangan tiyak hindi pagkakaitan. Manatiling mapagpakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Iiral ang katamaran, kasungitan, mainitin na ulo, paglabanan para hindi mapasubo. Pakinggan ang iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at sapphire blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magtiwala sa nararamdaman dahil ma-lakas ang ESP. Kung ano ang iniisip, kilos at gawain agad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

Show comments