^

Kutob

Hunyo 30, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) Iwasan na maging sakit sa ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos. Bawat kilos, tiyakin ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.  

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) Ang pagpaparaya ay tanda ng tunay na pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay para maiba ang ihip ng kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal, upang makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) Nakakadismayang balita ang matatanggap. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili, dahil masosolusyunan ito. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

SAGITTARUS (Nobyembre 23 - Didyembre 21) Hindi kailangan na ma-ging magarbo para ma-ging maganda ang impresyon ng tao. Maging natural at huwag magyabang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Lucky numbers at colr for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Unti-unting makikilala sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw tiyak may pagkakagastusan na hindi maiwasan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Maaaring ang isa sa dalawang manliligaw ay magtanong kung sino ang pipiliin mo. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) Huwag agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili ang pasiya. Hindi ito minamadali lalo na kung maselang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) Manatiling mapagkumbaba. Dahil iiral ang pride at kapag walang self-control, mapapasubo ka sa kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

vuukle comment

KOMIKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with