Abril 5, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2020 - 12:00am

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa upang makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa akalang higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Unahin ang sariling kapaka­nan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat-aka­lain. Isang dating insidente ang mauulit nang hindi sinasadya. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag magsisi kung may nagawang mali, ipalagay na charge to experience ito at hindi na mauulit.. Iwasan ang maging emos­yonal. Matuto sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na magiging memorable. Babalik na sa normal ang iyong buhay kapiling ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at gray.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang inisip, kilos at gawin dahil may mapapala. Huwag patulan ang mang-aasar o magkulit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag magpabaya sa mga dapat gawin. Sapat ang panahon para matapos ang lahat nang dapat tapusin. Kailangan lang ay maging organisado ka. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho huwag magkomento. Huhupa rin ang tensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at avocado green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Sa impluwensya ng panahon, walang pagsubok na hindi kayang malampasan. Gawin ang nararapat. Humingi ng gabay sa Maykapal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Mag-ingat sa manloloko. Lakasan ang pakiramdam Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling maga­lit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi, mapapasubo sa hindi magandang sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at blue.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with