^

Kutob

Pebrero 28, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Unawain at pag-isipan ng mabuti bago lumagda sa anumang kasulatan. Huwag kaagad magtiwala sa mga taong makakaharap ngayon. Isang kaibigan na may lihim na galit sa iyo ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Makakatanggap ng mahalagang balita na babago sa istilo ng hanapbuhay. Magiging kasiya-siya ang pamimili. Sundin ang badyet. Magkakaroon ng pagbabago ang mga plano tungkol sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at pearl pink..

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maligayang romansa ang magaganap. Iwasan ang matali sa pangako na hindi ka-yang tuparin. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung nanaisin. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. Maliga-yang romansa ang maaaring maganap na puwedeng humantong sa pag-iisang dibdib. Inaayunan ng panahon ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at avocado green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag padala sa matin-ding bugso ng damdamin, dahil mapapahamak ka. May magandang balita mula sa ibang bansa ang matatanggap. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Isang kaibigan ang makakadalaw. Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo. Hindi dapat talikuran ang mga sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 24, 39 at agate green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa pinapasukan. Patungo sa tagumpay ang nilalandas. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho o kasambahay. Isang maliga-yang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga sche-dule ng hindi magkabuhol-buhol ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at crimson red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ngayon ibuhos ang lahat ng kakayahan sa gawain. Mag-ingat sa pera, alahas o cellphone habang nasa sasakyan o daan. Huwag magpadalos-dalos ng desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 33 at nile green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magplano ng maayos sa gagawin. Iwasan ang ma-ging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa paglilihi, high-blood o sakit. Panindigan ang mga sinabi at ginawa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 33 at coral red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapaghamon sa iyong pagtitimpi. Ang personal na gawain ay may hatid na pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at electric blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang anumang transaksyon ay magiging matagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan na hindi makasakit ng kapwa. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 30 at sky blue.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with