Pebrero 24, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang tsismis na makapagpapainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o maibigay. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang gawain na hindi nagawa o napansin noon ay may daan na matapos ngayon. Magi-ging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan. Ang gustong gawin kung paglalaanan ng panahon ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang pagkakaisa sa tahanan maging sa sa trabaho ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang hindi pagkakaunawaan ay madaling mahahanapan ng solusyon, dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Bagay ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataong makatagpo ang soulmate o twin-flame. Kung isang Leo o Gemini ang makikilala, hahantong sa pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan na mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil iiral ang pagkabangis ng turo sa bagay na hindi magugustuhan. Iwasan ang mabiro at makantiyaw na tao upang malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Harapin ng buong tatag at pananagutan ang ano mang desisyong ginawa ma-ging ito ay tama o mali. Pag-isipan at maging mahinahon sa ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalos-dalos. Posibleng makatanggap ng balita na ikaliligaya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kahit masakit sa kalooban, mapaglalabanan ng sarili ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Kakapusan ng pera ang suliranin, subalit kung pagsisikapan ay matutugunan ng kaibigan o kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging masuwerte sa ano mang uri ng negosyo kung makakapagsimula ngayon. Kung ano ang suwerte sa negosyo, kabaligtaran naman ang mangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magpakahinahon, timba-ngin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with