Pebrero 21, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2020 - 12:00am

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Sa pagkadulas ng dila maaari kang makasakit ng damdamin ng iba, kaya dapat itong bantayan. Iwasan ang ma-ging mapagpuna. Maging alerto dahil magiging lapitin ng mga tao na may hangaring manlinlang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 19, 34 at jade green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Magiging pangkaraniwan ang takbo ng mga pangyayari. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng tulong na dapat hindi pagkaitan. Ang maging tapat sa pakikitungo sa kapwa ay may gantimpalang makakamit. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 22, 25 at electric blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may suliranin, makakahanap ng tamang solusyon. Napapanahon para ibaling ang pansin sa sariling kapakanan. Walang magiging sagabal kung ilalagay sa ayos ang lahat. Ikaw ang magsisilbing halimbawa sa pamilya o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 14, 31 at mahogany.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang pamamalagi sa tahanan ay magbibigay ng lubos na kasiyahan. Ang labis na pagpupuyat ay magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan na dapat iwasan. Ang magtiyaga ay may kapalit na tagumpay. May sorpresang naghihintay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 17, 26 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Samantalang nag-iisip ka ng paraan sa mga gawain, may mang-aasar o mangungulit kaya pasensya at hinahon ang dapat gawin. Magiging masaya ang pamilya sa mga binabalak. Matutupad ang pangako o naipangako. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 22, 30 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May lihim kang tagahanga. May pakinabang ang nilalakad na transaksyon. Pakinggan ang kutob bago magpasiya at tiyak hindi magkakamali. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral kung gustong makamit ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 10, 12 at platinum pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mapapaunlad ang pakikipag-ugnayang sosyal kung pagsisikapan. Ang tipanan sa pag-ibig ay kailangan ipagpaliban upang walang maganap na sama ng loob. Bigyang pansin ang pakikipag-ugnayan sa komunikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 19, 27 at sun yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mag-ingat sa pagkaing mata-tamis, labis na mamantika at maalat. Ang biglaang pa-ngangailangan ay madaling matutugunan kung pagsisikapan. Walang masasayang na sandali sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 21, 29 at garnet red.

 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Iiral ang katamaran. Matutong makibagay at makiisa sa mga kasamahan. May bagong pag-ibig na darating sa iyong buhay. Makakatulong sa problema ang kaibigan kung kakailanganin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 27, 30 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Paglabanan ang kalituhang nadarama. Huwag magpadalos-dalos at huwag magpatangay sa emosyon ng damdamin. Isang mapagmalasakit na kaibigan ang makakatulong sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 11, 27 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May katunggali ka sa napupusuang dilag o binata. May malaking pag-asa na magtatagumpay sa iniibig. Pairalin ang kahinahunan at maging maginoo sa anumang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 19, 23 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Walang dapat na panghina-yangan sa mga pangyaya-ring magaganap. Hangga’t maaga ay magising ka sa katotohanan tungkol sa maling desisyon. Maging aral sana ang karanasang naganap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 18, 24 at aquamarine.

KTUOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with