Pebrero 15, 2020
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Makikinabang ng malaki sa tulong na ibibigay ng bagong kakilala, kaibigan o kamag-anak. May pagbabagong magaganap sa takbo ng relasyon. Ang pagsubok na darating sa buhay ay malalagpasan. Magiging magaan ang kalooban kung makakadalaw sa mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 33, 38 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malapit ka ngayon sa aksidente kaya ibayong ingat ang dapat gawin. Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Sundin ang payo ng mga magulang sa larangan ng pinansyal o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 22, 40 at pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Unti-unting magbubunga ang pagsisikap subalit kailangan ang dagdag na tiyaga. Pairalin ang isip kaysa sa puso dahil kung mapapasubo, tiyak na magsisisi. Ang malimit na pag-aaway ay dahil kulang sa komunikasyon sa bawat isa. Lucky numbers at color for the day ang 6, 26, 34, 36 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang unti-unting panlalamig ng minamahal ay huwag paba-yaang lumala.  Kailangan ang atensiyon at pagkalinga sa mga bagay at kapakanan ng minamahal. Maging mahinahon at iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 29, 35 at fuchsia.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasang makinig sa mga sulsol ng mga taong nakapaligid. Darating ang taong kausap. Malalagay sa alanganin ang kalusugan kung hindi titigilan ang labis na pagpupuyat. May sorpresa sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 28, 33 at maroon.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang sosyal na buhay ay maaaring maraming kontro-bersiya. Makakadalo sa kasayahan ng isang kaopisina, kaibigan o kamag-anak. Ma-ginhawang magagampanan ang gawain at mabilis itong matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 36, 37 at brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Tatagan ang kalooban at bawasan ang init ng ulo sa anumang mangyayari. Huwag magmatigas at sundin ang pangaral ng magulang o nakakatanda. Magkakaroon ng panahon sa pagdalaw sa kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 23, 28, 38, 42 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Mahalaga ang panahon sa pagdalaw sa mahal sa buhay. May pagkakataon na maituwid ang mga maling nagawa na hindi sinasadya. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya o ang mahal sa buhay kaysa sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 40, 41 at blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Sikapin na matugunan at maisakatuparan ang naipangako. Magiging abala sa trabaho o sa ibang bagay. Gugugulin ang nalalabing mga oras sa paglilinis ng labas at loob ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 18, 34 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Walang magiging sagabal sa pagtupad ng obligasyon. Masasabi sa minamahal ang tunay na damdamin o saloobin. Positibo ang mga tugon kaya hindi dapat mag-alala. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 36, 40 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kilalaning mabuti ang mga taong nakakasalamuha at huwag basta ibigay ang tiwala. Ang mga kamag-anak ay may maitutulong sa pagtataguyod ng binabalak. Maginhawang maitatawid ang mga obligasyon. Lucky numbers at color for the day ang 16, 23, 40, 42 at electric blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Makakabuti ang makinig sa suhestiyon ng mga kaibigan. Kumilos ng maaga upang maraming magawa. Ang tanging maliwanag ay ang muling pagbabati ninyo ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 35 at orange.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with