^

Kutob

Enero 24, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ipakita ang kakayahan sa isang Taurus na nililigawan. May pakakataon para matupad ang pinapangarap kung magiging matiyaga at masikap sa iyong pag-aaral. Laging maging handa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 29 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magtatagumpay sa binabalak na negosyo, kapag ang life partner ang kasama mo sa pagtataguyod nito. Maaa-ring magiging malubak ang daan sa simula, pero magpakatatag dahil nasa landas mo ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 21, 29 at indigo.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Sino man ang wala sa grupo, siya ang nagiging paksa ng usapan. Magbibigay ng kabuluhan ang magandang payo na matatanggap kung ia-apply ito sa gawa. Ibigay ang nararapat sa taong pinangakuan. Huwag kang paasa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 19, 39 at sky blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung ano man ang kwento mo sa iyong kapwa, ‘yan ang mararanasan mo. Lahat ng maaa-ring maranasan ay nagsisimula sa bawat mong hinahangad. Maging matalino sa pagtunton kung anong landas ang gusto mong marating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 21, 31 at bottle green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Makulay ang romansa kapag dumating ang sorpresa. Tapusin ang gawain para ma-enjoy ng husto ang oras ninyo ng iyong mahal. Nakatakda kang pagpalain sa mga mabuting gawain. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 27 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Purihin ang ina para matamo ang swerteng hinahangad. Kung pananatilihin ang positibong pag-iisip, walang hindi malalampasan. Huwag lang ipagsawalang bahala ang kalusugan para walang maging hadlang sa iyong mga balak. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 25, 41 at green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Masaya ang biruan kapag hindi umabot sa asaran. Positibo ang paraang kailangan para akitin ang suwerte. Huwag haluan ng ilegal na gawain para hindi maunsyami ang bawat hakbang. Makinig sa payo ng nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 15, 33, 43 at ivory.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isang desisyon ang haharapin. Ang payo ng kaibigan ay dapat pakinggan dahil maaasahan ang tunay nilang pagmamalasakit sa iyong kapakanan. Baguhin ang ganitong ugali, bago ka pa makahanap ng katapat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 17, 31, 41 at fuchsia pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Lahat ng issue sa araw na ito ay madaling malulutas, kapag ang iyong kalooban ay maaliwalas. Kaya lumayo sa tsismisan at tiyakin na hindi masangkot sa gulo para hindi ka malagay sa alanganing situwasyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 21, 35 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masigla ka sa buong araw at maraming gawain ang matatapos. Huwag basta magdesisyon sa isang bagay, lalo na kung kakailanga-ning maglabas ng malaking halaga. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 22, 39 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isaisip at iayon sa tibok ng puso ang mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon. Hindi dapat pinaghahalo ang love life sa iyong trabaho. Kung pamilyado na, tantanan na ang paglalaro ng apoy. Lucky numbers at color for the day ang 11, 27, 37, 45 at tangerine.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masayang balita mula sa internet ang matatanggap. Pero kung ito ay nag-aalok ng investment na nanga-ngako ng agaran at malakihang kita, mag-isip muna dahil posibleng ma-scam ka. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 39, 41 at pink.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with