Disyembre 15, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at magi-ging mainitin ang ulo. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Ang mapagpasensiya ay daan para mapalayo sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 27, 36, 40 at bold yellow. 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Gugulatin ka ng isang kaibigan, kamag-anak o kasamahan sa trabaho. Kung ito ay ikatutuwa, ikaliligaya o ikalulungkot, panahon lamang ang makapagsasabi. Ang mahalaga ay maging handa sa anumang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Capricorn ang makikilala, ngayon tiyak na magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak. Lucky numbers at color for the day ang 19, 22, 33, 40 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Ang payo kung gustong isaalang-alang, pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 23, 40 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Walang taong hindi nagha-hangad ng kaunlaran sa buhay at upang matamo ito, baguhin ang mga maling paraan at patakaran. Alam ng sarili kung ano ang dapat baguhin, aksiyon ang kailangan para magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 22, 27, 39, 44 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may duda, huwag ituloy dahil tiyak hindi maganda ang magiging resulta. Kung tiyak ang gagawin, ituloy dahil posi-tibo ang kalalabasan. Malakas ang iyong ESP ngayon kaya ito ang iyong magiging batayan para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 26, 30, 40 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung nagkaroon ng problema, alamin ang dahilan kung bakit nangyari at agad baguhin para hindi na maulit. Tutukan ang solusyon sa problema at kung hindi kaya ng sarili, kumunsulta sa psychic para magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 25, 37 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nakapaligid ang mapagsamantala, mandarambong at mapagbalatkayo. Mag-ingat dahil ang mga ito ay malapit sa iyo ngayon. Maging alerto at mapagmasid upang hindi maloko o mapagsamantalahan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 33, 40, 41 at neon green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Pairalin ang hinahon at pang-unawa dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang pagpapasensiya. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 32, 33 at white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 39, 40, 42 at aqua blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Huwag gaanong maghangad ng alam mong imposibleng mangyari. Hindi ka maaaring makarating sa ikasiyam na palapag kung hindi ka magsisimula sa pinakamababang palapag. Lucky numbers at color for the day ang 7, 9, 39, 41 at brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Magagawa mong makumbinsi kahit ang makulit o makitid ang pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 8, 24, 34, 38 at jade green.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with