Disyembre 11, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makatulong sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 33, 41 at strawberry red.  

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 16, 31 at pink.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang-halaga at panahon ang pag-aaruga ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 18, 36 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang palaging pag-init ng ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos upang may maitabi para sa kailangang gamit. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 29, 37 at white.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan, subalit ang magandang balita ay nasa landas ang swerte. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 33, 40 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay magiging makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 18, 41 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla sa’yo. Dahil sa kasiglahan, ano mang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali, kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 28, 32 at avocado green.  

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na dapat mapaglabanan. Magi-ging abala. Makiisa sa mga kasamahan upang manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 34, 38 at orange..

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hindi magiging abala su-balit maraming mahahala-gang gawain ang matatapos dahil sa angking enerhiya. Panindigan ang prinsipyo para hindi maloko ng iba. Darating ang hinihintay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 21, 37 at jade green.  

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Bagong pag-ibig ang uusbong sa damdamin. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 23, 38 at brown.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad ng hindi madapa, matapilok o matalisod. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 38, 41 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Umaayon ang maswerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ang 11, 20, 34, 41 at royal blue.

HOROSCOPE KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with