Nobyembre 12, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Bagaman maganda ang samahan sa trabaho, huwag magtiwala dahil may nagmamasid. Ayusin ang pagganap sa tungkulin upang walang mapuna na magbibigay ng bad record. Alalahanin ang inggit ng kapwa ay hindi maaalis at nasa tabi mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 34, 39 at lavender.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Talasan ang pakikinig at imulat ang mata dahil ang hinahanap ay nasa harapan o sa tabi lamang, hindi mabibigyan ng solusyon ang problema kung idadaan sa init ng ulo. Maging mahinahon at tiyak may magandang solusyon na mahahagilap. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 21, 28 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag pilitin na magawa ang lahat ng bagay na sarili lamang ang inaasahan. Huwag saya-ngin ang lakas sa mga bagay na hindi dapat pag-aksayahan ng oras. Ngayon mo kailangan ng tulong ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 32 at avocado green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magpakatatag dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Self control ang kailangan pairalin upang malayo sa gulo. Huwag magpadalos-dalos. Magiging maunlad ang negosyo ngunit kabaligtaran ang tungkol sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 21, 34, 40, 44 at golden brown.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mahihirapan ka sa paggawa ng desisyon. Payo ng higit na nakakaalam ang iyong kaila-ngan. Huwag pilitin ang sarili sa paggawa kung may duda o hindi tiyak ang kalalabasan o resulta. Mag-ingat at maging alerto. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 39 at baby pink.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang matagal ng hinahanap ay maaaring nasa paligid lamang o nasa harapan, kaya huwag ng lumayo ng tingin sa paghahanap. Baka hindi lang napapansin dahil inaakala na hindi sa lugar na inaasahang makita. May makikitang makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 28, 37, 45 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Iwasan ang gumawa ng panibagong gawain kung hindi pa tapos ang sinimulan. Ihanda ang sarili sa problemang maaaring dumating. Tiyaking nasa maayos at nabibigyan ng pansin ang lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 18, 23 at red ruby.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ano man ang mangyari, nananatiling matatag at hindi basta-basta susuko. Magiging negatibo ka ngayon na dapat paglabanan. Malakas ang iyong ESP kaya kung ano ang iniisip, gawin dahil malaki ang tsansang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 24, 32 at purple.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maghanda dahil malamang ang hindi inaasahan ay mangyayari. May sorpresa o balitang matatanggap. Iiral ang katamaran, dapat paglabanan dahil sa responsibilidad na nakaatang. Iwasan na abusuhin ang kabutihan ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 18, 26, 30, 37 at golden yellow.  

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Walang katapusan ang pro-blema kung hindi haharapin at hanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay matatakasan ang problema. Maging matatag dahil abot-kamay lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 10, 20, 30, 40 at sapphire blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magmasid, pag-aralan ng mabuti ang mga pangyayari bago magbigay ng opinyon. Hangga’t maaari, huwag makialam sa iba. Kung ano ang nagawang desisyon, panindigan maliban kung alam ng sarili na nagkamali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 15 at sky blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ilang gawain ang matatapos ng hindi gaanong mapapagod. Kailangan ang disiplina para lalong maging produktibo. Walang problema sa tahanan o pinapasukan. May balitang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 35, 43 at neon green.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with