^

Kutob

Nobyembre 6, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali para maituwid kaagad ng hindi na lu-mala. Kung may napuna ka na parang nilalayuan ng ilan, baguhin ang ugali bago lubusan na mawalan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 40, 43 at neon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang kamag-anakan ng magkabilang panig. Magda-lawang-isip ka kung may tutol sa iyong pakikipagrelasyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 33, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang madalas mong reklamo ay magbibigay ng demerito sa tungkulin. Kung may reklamo tungkol sa trabaho, direktang sabihin sa nakakataas o idaan sa sulat upang maging legal ang basehan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 30, 40 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mahalagang pakinggan ang mungkahi o suhestiyon para sa ikakaunlad o ikakabuti ng negosyo, pinansyal o personal. Magpasalamat dahil may kaibigan, magulang o kasamahan ang nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 34, 39 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may itinatago, iwasang ikwento sa iba dahil tiyak hindi mapipigilan na maraming makaalam dahil ang mapagsusumbungan ay ipagsasabi ito sa lahat. Magiging mapaghinala ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 32, 33 at scarlet.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang maganda ay itikom ang bibig, huwag itsismis upang hindi mabaon sa utang. Isipin at isaloob ang nakita o narinig ay isang magandang aral na hindi mo dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 18, 43 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may negosyo, mag-uumpisa na ang pag-unlad. Kung “buy and sell”, ang ka-lakal ay magkakaroon ng “potential prospect” o malamang makapagbenta o makabili ng murang bagay na malaki ang tutubuin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 34, 36 at indigo.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag sumuong sa “bawal” ng wala sa tamang panahon, dahil pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 39, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masakit man ang mga katagang iyong maririnig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang magandang leksyon ang nagawa at hindi na dapat maulit kailan man. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 34 at red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang daliri ng kamay kailan man ay hindi pantay kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 32, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may pangako, huwag kalimutan. Humingi ng dispensa bata man o matanda kung hindi makatupad para hindi masira ang pagkatao dahil may dahilan na hindi ito maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 20, 38, 40 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung may katungkulan at alam na may kamaliang nagawa ang kasama, huwag matakot na kumprontahin o bigyan ng leksyon para maging tapat sa tungkulin. Trabaho lamang, walang personalan ang turing. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 41, 42 at aqua blue.

 

 

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with