Oktubre 17, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mahaba-habang sakripisyo pa ang iyong bubunuin hanggang makamit ang iyong mga pangarap. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga dahil kung mawawalan ng pag-asa, lalong hindi ka makakaahon sa iyong kalagayan. Sa aspetong pag-ibig, makaka­bawi ka naman dahil ang minamahal ay mananatiling tapat sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 2, 28, 36 at sky blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag kang kumalas sa kasalukuyang plano at gawain dahil mabubungi ang tagumpay na nakalaan para sa’yo. Ituloy ang tinatahak na landas at huwag baguhin dahil laking pagsisisi ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 29, 43 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mahigpit kang binabantayan ng iyong ka-partner dahil sa selos, kaya doblehin ang pag-iingat. Huwag hayaan na dahil sa selos ay magiging magulo ang inyong relasyon. Yayain siyang lumabas o bigyan ng regalo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 39 at pink.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag mag-alala dahil nasa tamang landas ka ng tagum­pay kung hindi babaguhin ang binabalak, isagawa ito kaagad at walang panahon na masasayang. Huwag kang padala sa sulsol dahil sisirain ang iyong mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 15, 38 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung naguguluhan ka sa kakaisip sa taglay na problema na tila baga wala ng solusyon na mahagilap, makakabuting kumunsulta sa isang psychic upang maliwanagan at magkaroon ng tamang gabay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 29, 33 at scarlet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Wala sa iba kundi nasa sarili ang paggawa ng magandang kinabukasan. Hangga’t maaga at may pagkakataon pa, hanapin ang tamang landas ng kaunlaran. Baguhin ang dapat baguhin sa sarili at ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green..  

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Pangalagaan ang kapakanan. Huwag maging marahas sa gagawing mga desisyon o hakbang. Unawain at paka­walan ang bawat detalye bago isagawa ang balak o pinaplano. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 28, 39 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May dahilan para magsaya, dahil may bagay kang mapagtatagumpayan. Makakabuting ilihim muna ang tagumpay na nakamit at hayaan na lamang na malaman ito ng lahat sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16,33, 39 at fuchsia.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Dagdagan mo ang iyong pasensiya at pagkamaunawain dahil kung iiral ang pagkapikon, tiyak may mangyayaring hindi kanais-nais na iyong pagsisisihan. Sadyang malapit ka ngayon sa mga taong mang-iinis sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 22, 31 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Patuloy sa pagtaas ang antas ng iyong lifestyle at ang pakikihalubilo sa mga taong kakilala sa lipunan. Mag-ingat lamang dahil may ilan na gagamitin ka para sa sarili nilang kapakanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 26, 38 at pale yellow.  

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Isang magandang oportunidad ang mawawala dahil sa maling pagpapasya kung hindi mag-iingat. Anuman ang dapat pagpasiyahan, pag-aralan muna ng mabuti upang hindi magkamali at walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 19, 37 at violet..

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kunsumisyon sa trabaho maging sa bahay ang iyong aabutin ngayon. Upang maging balanse ang enerhiya ng hamony sa kapaligiran, taos pusong panala­ngin ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 12, 26, 37 at biege.

OKTUBRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with