Oktubre 16, 2019
(Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Mabilis mong matatapos ang ilang mga gawain. Isang malaking hamon ang lumalandas na dapat harapin kung gusto mo ng magandang pagkakataon para palutangin at gamitin ang angking talino. Huwag magpanik sa anumang darating at tiyak magkakaroon ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 26, 38 at fuchsia.

 

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Harapin at maghanap ng solusyon sa problema, sa halip na iwasan ito o magtago. Iilang tao ang tuluyang mawawalan ng tiwala sa iyo kung hindi mo tutuparin ang napagkasunduan o pinag-usapan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 27, 28 at jade green.

 

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Makakahalubilo mo ngayon ang mga taong magpapagaan ng iyong pakiramdam at magpapalakas ng iyong tiwala sa sarili. Posibleng magkaroon ng bagong kaibigan sa mga araw na darating. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 34, 43 at white.

 

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Dahil sa maagap at maliksi mong pag-iisip, masusugpo kaagad ang napipintong pag-aaway ng dalawang kasamahan o kasambahay. Dahil sa iyong nagawa, kahit sila ay tahimik ay may laang paghanga sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 24, 34 at purple.

 

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung kapwa seryoso kayo ng iyong mahal  sa inyong relasyon, napapanahon na pag-ukulan ng pansin at i-level up ang inyong pagsasama. Planuhin ang pagpapakasal sa lalong madaling panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 38 at aquamarine.

 

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mahalin mo ang iyong sarili, higit sa lahat. Malamang mapapatunayan  mo ang pagtataksil ng minamahal. Kung magkakatotoo, makakabuting makipaghiwalay na sa lalong madaling panahon. Huwag kang magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 28, 40 at gray.

 

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kahit gaano kalaki at patung-patong ang problema, hindi ka basta-basta pinanghihinaan ng loob. Tama ang iyong patakaran na huwag dibdibin ang problema at idaan sa tawa ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 28, 39 at red.

 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Posibleng makapaglakbay sa tawag ng tungkulin o sa pang personal na pangangailangan. May posibilidad na madagdagan ang iyong kita. Tiyakin na kasamang mapupunan ang pagkukulang sa iyong mga magulang. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 28, 40 at green.

  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan mo ngayon ang mga gawain na magdudulot sa iyo ng tensiyon. Harapin ito sa ibang araw at makakabu-ting huwag munang buksan ang anumang paksa na bu-mabagabag sa damdamin o anumang uri ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 29, 35 at brown.

 

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nang dahil sa taglay na problema, madali kang malito. Madali kang matataranta sa mga simpleng utos. Kalmahin ang sarili at maging mahinahon. Sikapin na maasikaso kaagad ang anumang ipapagawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 28, 42 at maroon.

 

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung sangkot ka sa bawal na relasyon, saan mang anggulo ito tingnan at kahit ikatwiran na mahal mo siya, ito ay hindi tama at dapat n putulin. Dahil hindi lang sarili pamilya ang winawasak. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 17, 38 at blue.

 

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isang bagay na iyong pinaghirapan ang mawawala sa isang iglap lamang kung magpapabaya at hindi magiging alerto. Maging maingat at seryoso sa iyong mga kilos at pananalita. Lucky numbers at color for the day ang 12, 15, 32, 35 at yellow.

HOROSCOPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with