^

Kutob

Setyembre 22, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magiging kabigha-bighani ang iyong pagkatao. May kadaldalan ka ngayon at palagay naman ang loob ng mga nakinig sa’yo dahil sa angkin mo ang bato-balani nang pangu­ngumbinsi. Kung isa kang salesman o sales lady, may maibebentang kala­kal. Magiging maganda ang takbo ng negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 32, 42 at ocean blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Magiging malambing, maunawain at maalalahanin ang minamahal. Kung may sikreto, ngayon ang magandang pagkakataon na isiwalat ito dahil hindi sa lahat ng panahon ito ay maitatago. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 37 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Isang isyu na nabaon na sa limot ay muling mauungkat at dahil dito masisira ang mood at mag-iinit ang ulo mo. Isipin ang masamang nakaraan ay napakagandang leksiyon sa buhay na hindi na dapat maulit upang magkaroon ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 33, 42 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Hindi masama ang mangarap, ngunit kung inaakala na talagang hindi kaya, huwag ipilit dahil kapahamakan ang aabutin. Huwag mong pangarapin na maangkin ang bagay na talagang hindi ukol sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 18, 28, 39 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maging simple at iwasan ang maging maluho upang hindi madagdagan ang problema. Makisayaw sa tugtog ng panahon upang hindi maging emosyonal. Tawanan mo ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 14, 21, 33, 40 at scarlet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung isa kang empleyado at hindi mo nagustuhan ang kasalukuyang trabaho, nga­yon ka gagawa ng hakbang at paraan upang matupad ang iyong pangarap. Isang tulay ng kaunlaran ang biglang susulpot. Lucky numbers at color for the day ang 19, 33, 37, 38 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may usok, kalimitan may apoy. Kung may bawal na relasyon, magbubunga ng hindi maganda. Upang hindi masira ang reputasyon, kalasan ang sikretong relasyon sa lalong madaling panahon. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 22, 27 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Tamang pag-isipan at pag-aralan kung ano ang nararapat gawin sa personal na buhay, dahil sa mga negatibong bagay na maaaring mangyari. Iwasan ang mga barkadang walang maitutulong na maganda. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 29, 39 at jade green.

 

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maglaan ng oras upang mapag-ukulan ng sapat na panahon ang pamilya o minamahal. Ang pagka-workaholic ay hindi masama subalit kailangan ng pamilya o minamahal ang iyong atensiyon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 33, 42 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mag-ingat sa grupong sasamahan at baka wala kang kamalay-malay na masangkot sa hindi magandang gawin nila. Huwag saya­ngin ang oras sa walang kuwentang usapan o gawain. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 23, 31 at tangerine..

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Mapapansin mong inaabuso ka na sa iyong kabaitan. Tingnan at pag-aralan ang sitwasyon at gumawa ng madaliang pasya para sa kapakanan. Tamang desisyon at pagkilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 20, 26, 33 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Bigyan mo ng kaunting panahon upang mapag-aralan ang isang biglaang desisyon upang hindi ka magsisi. Makakabuting huwag magpabigla-bigla sa desisyon.  Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 24, 37 at blue sapphire.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with