Agosto 21, 2019

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya pero isang Gemini ang magdadala ng problema o sakit ng damdamin. Hangga’t maaari iwasan ang mga kilalang kapwa Leo dahil kapag may hindi pagkakaunawaan, hahantong ng pangmatagalan na walang imikan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung kabutihan ang nagawa, kabutihan ang tatamasain. Pero kung kasamaan ang nagawa, kasamaan din ang daranasin. Panahon na para maibsan ang kasalanang nagawa sa pamamagitan ng pagsisisi at buong pusong pananalangin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maging mahinahon sa pagkilos, pananalita at sa paggawa para maiwasan ang makasakit ng kapwa o ang magkamali. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga papeles na dapat lagdaan. Iwasan ang pagtanggap ng tseke. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream o white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matututuhan sa kawang-gawa at pagtulong ng mga kapus-palad. Kung isang Sagittarius ang makakasama, malamang magkakatampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung inaakala na magiging maligaya sa pakikipag-date, nagkakamali ka. Iwasan ang date ngayon dahil may hindi magandang mangyayari. Malamang magkatampuhan ang mag-asawa o magkasintahan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maghanda sa darating, kung ito ay inaakalang mabuti o ikauunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataon na makakawala. Magiging maunlad ang negosyo o pa­ngangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at navy blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung may kamag-anak na may sakit, huwag mag-atubi­ling isugod kaagad sa pagamutan para mailigtas ang buhay. Kung walang nagkasakit sa pamilya o kamag-anak, tiyak sagana at kaligayahan ang daranasin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) May maganda at pangit na pangyayari tungkol sa pribadong relasyon o hanapbuhay, ngunit huwag mabahala dahil sa huli ikaw ang magwawagi. Iwasan ang mga taong tsismosa at mapanira. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may tipanan huwag maging mainipin dahil ang kausap ay male-late sa inyong usapan. Ang transaksyon ay pag-aralang mabuti bago pumalaot.Hindi inaayunan ang paglagda ng mahalagang papeles. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang nakalimutang pangako ay tiyak na maibibigay. Magaan ang trabaho. Ang pasok ng pera kung may negosyo ay magiging maayos din. Iwasan ang maglakbay, maglasing, magsugal, ang makipag-date at barkada. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang suliranin ng pamilya ay may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Posibleng manumbalik ang harmoniya sa tahanan. Isang Pisces ang makaka­tulong. Mag-ingat sa kapwa Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at neon green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag pansinin ang maririnig na makakapikon o makakaasar ng kasamahan, kasambahay o kaibigan dahil inggit lamang ang mga ito. Huwag patulan ang salitang masakit sa tainga. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at white.

Show comments