Mayo 25, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Maaalala mo ang iyong minamahal na nasa malayong lugar. Maaari mo siyang i-text o tawagan para maibsan ang nararamdaman niyang lungkot. Iwasan ang magsugal na maaaring maging dahilan para mawaldas ang malaking halaga. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 16, 34, at pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maaaring matukso ka ng isang mas bata pa sa’yo na hahantong sa isang relasyon at romansa. Magkakaroon ka na ng lakas ng loob para ipakita ang iyong matagal nang itinatagong damdamin o saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 30, 38 at electric blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Lalala ang iyong nararamdaman dahil sa pagwawalang bahala. Madaragdagan ang iyong mabigat nang load sa trabaho at dito ka mapapansin ng iyong boss o amo kung tama o mali ang iyong paraan sa pagresulba ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 25, 42 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isang kasunduan ang hindi matutupad. Huwag maging mapusok sa larangan ng pag-ibig dahil kapahamakan ang iyong aabutin. Madaragdagan ang iyong timbang na lampas sa nais mong taglayin, kung hindi didisiplinahin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 28, 41 at lemon green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23)  Isang bagay ang matutuklasan sa taong pinagkakatiwalaan na ikakasama ng loob. Maging prangka at kausapin ang taong nakasagutan. Huwag idamay ang walang kinalaman sa init ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 33, 45 at cherry red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maipagbibili ang ilang ari-arian dahil sa kagipitan. Makakalimot ka sa mga personal na pangangailangan dahil sa problema. Hindi mo makokontrol ang panghihina ng iyong katawan sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 36, 38 at pearl white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Mapapansin ng iyong mahal ang pagseselos mo sa mga kaibigan niya. Maging sensitibo sa damdamin ng ibang tao. Makakamit mo ang suporta ng mga kasamahan sa isang proyekto na isusulong. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 39, 41 at apple green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Piliin ang mga taong makakasama dahil kung hindi, maaaring mahatak ka nila sa negatibong enerhiya o maudyok na gumawa ng hindi maganda. Kumplikado ang mag-isip tungkol sa pag-ibig ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 27, 40 at shocking pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Aksidente mong masasalubong ang dating kasuyo, kaibigan o kamag-anak. Iwasan ang muling matukso. Mahal ka pa rin niya sa kabila nang lahat na masakit na ginawa mo sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 22, 38 at cannery yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makakahiligan mo ang mga klasikal na musika at ito ay makakatulong sa depresyon. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 34, 41 at lavender.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Mararamdaman mo ang suporta ng iyong kapamilya sa gagawing pagbabago, gayundin ang kanilang pagmamahal sa kabila ng lahat ng iyong pagkakamali. Balansehin ang lahat ng bagay na gustong ipundar. Lucky numbers at color for the day ang 6, 20, 30, 36 at copper.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magkakaroon ng eskandalo dahil sa bawal na pag-ibig. Matinding sakit ang mararamdaman na kailangan mong malampasan dahil sa kabiguan. Hindi ka naman pababayaan ng isang malapit na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 16, 34, at white.

2019 HROSCOPE MAYO 25
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with