^

Kutob

Mayo 15, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Bigyan ng pansin ang pinansiyal na pangangailangan dahil malaki ang iyong gastusin sa panahong ito. Isang malapit na kapamilya ang lalapit sa iyo para humingi ng tulong pinansiyal, pero ‘di mo mapapaunlakan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 25, 32 at burnt pearl pink.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Walang makakapansin sa iyong ginintuang puso, pero huwag tumigil sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Ang ating Manlilikha ang magbibigay ng biyaya sa’yo kaya patuloy kang manalig sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 21, 31, 40 at garnet red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Tumahimik ka muna kung nag-uumpisa na namang magbunganga ang iyong asawa tungkol sa pera. Kailangan mong harapin na talagang kinakapos ka sa pera. Ang mabuti ka maghanap ka ng trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 17, 31 at citrine yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Makakatagpo mo ang dati mong mahal. Hahantong na naman sa bawal na rela-syon ang inyong pagkikita. Mararamdaman mong mahal ka pa rin niya sa kabila ng lahat na ikaw ay hindi na malaya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 24, 32 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Hawakang mabuti ang natanggap na pera. Hindi pa panahon para ito ay gastusin. Mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga bagong kakilala, baka ikaw ay mabiktima ng mandurugas. Lucky numbers at color for the day ang 3, 6, 15, 31 at mint green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Subukang makipagkita sa dating kasosyo sa negosyo. May mabuting pangyayari na darating sa iyo sa araw na ito. Huwag ipakita sa mahal sa buhay ang pagpatak ng luha, maging matatag. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 27, 39 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dadalawin ka ng isang kamag-anak dahil sa su-werteng natamasa. Huwag maging maramot. Ganyan talaga ang buhay, kung sino ang mayroon, siya ang nilalapitan. Maging mapagbigay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 22, 27 at cherry red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kakayanin mo ang pagod sa maghapon. Kailangang magpahinga nang todo para makabawi. Kung pababa-yaan mo ito, magiging sanhi ito ng pagkakasakit mo. Umiwas sa pagkain ng tsitsirya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 23, 34 at avocado green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kukomprontahin ka ng iyong mahal dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari. Magkakaroon ng kaunting tampuhan sa pamilya, pero huwag mag-alala at madali itong mareresulba. Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 20, 36 at blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Lalong mapapamahal sa iyo ang iyong mahal dahil sa ipinapakita niya. Kung hihingi ka ng pinansiyal na tulong sa isang kaibigan o kamag-anak, hindi ka mabibigo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 15, 22, 35 at dirty white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mabibiktima ka ng isang panlilinlang kung magpapabaya at hindi mag-ii-ngat. Mapapanatili mo ang kanilang paghanga at respeto dahil sa iyong katapatan. Ipagpatuloy ang mabu-ting gawi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 31, 40 at silver.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Hindi ka kikibuin ng iyong mahal. Huwag hayaan na lumala ito, pag-ukulan siya ng panahon. Paglalambing at pagsuyo ang kailangan mong gawin. Kung maaari, ilabas mo siya para lalo siyang maniwala na hindi ka nagbago. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 14, 22 at honey yellow.

vuukle comment

KUTOB MAYO 15 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with