^

Kutob

Pebrero 23, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magiging maganda ang panahon kung iiwasang masangkot sa hindi pagkakaunawaan. Isang nilalang na may lihim na pagtingin ang matutuklasan. Ang magtanim ng hinanakit sa kapwa ay dapat iwasan. Panahon ng pagpapatawad sa nagkasala at paghingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 35 at aquamarine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang papakipagtalo ay walang ibang pupuntahan kundi suliranin, kaya dapat itong iwasan. Ihanda ang kalooban sa maaaring maganap. Maswerte ang tungkol sa negosyo, subalit hindi sa relasyon. Magplano o pag-aralan ang gawain para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 39, 41 at indigo.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ipokus ang pansin sa maaaring pagkakitaan at hindi sa walang kabuluhang bagay. Maaaring hindi magiging maganda ang pagdalaw sa kamag-anak, kaibigan o kapitbahay. Ipagpaliban ang binabalak sa pamamasyal o paglilibang. Kung may suliranin sa pera, maisasaayos ng walang hadlang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 22, 31, 40 at jade green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isang surpresa ang naghihintay sa araw na ito. Maligaya at makulay ang romansa na maaaring mauwi sa kasalan. Makapagbibigay ng karagdagang kita ang sideline. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 14, 31 at strawberry red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang naisip gawin ngayon, huwag ipagpabukas. Ang kutob ay magkakatotoo. Ilagay sa ginagawa ang buong konsentrasyon upang maiwasan ang sakuna o pagkakamali. Pabor ang paglalakbay kung sa negosyo ang pakay.Walang magandang idudulot ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 15, 23, 38, 41 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang panahon ay umaayon sa pagtuklas ng mga bagay na makakatulong sa trabaho o sa sarili. Maging bukas sa mga bagay na makakabuti. Iwasan ang mga bagay na makakasama sa’yo. Ang samahang pagkakaibigan ay may pagkakataon na mauwi sa pag-iibigan. Ang negosyo ay magiging maunlad. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 33 at ivory white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pag-aralang mabuti ang mga detalye bago pumalaot. Maaaring maging katangi-tangi ang tulong ng isang kaibigan. Posible ang isang hindi inaasahang magandang pangyayari. May dulot na hindi malilimutang karanasan kung makakadalo sa sosyal na pakikipagsalamuha. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 32, 36 at purple.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Madali kang mabighani sa mga magagandang bagay o pananalita. Maisasaayos ng kamag-anak ang problema tungkol sa salapi. May suwerte ang negosyo. Katapatan ang hinahangad ng iniibig. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 33, 37 at yellow.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magiging masigla ang paggawa o ang pagkahilig sa mga palaro. Subalit ang matinding kaligayahan o kalungkutan ay maaaring maghatid ng hindi magandang pangyayari sa kalusugan. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraang mga araw sa kasambahay, kaibigan o kasamahan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 12, 35 at magenta.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang pagbabago o paglaki ng mga gastusin ay makapagpapabago sa takbo ng negosyo. Simulan ang magtipid at mag-impok. Ang magneto ng pagkatao ay malakas at magagamit sa negosyo. Hinahon ang pairalin dahil may mga taong hindi ka maintindihan o mauunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 10, 20 at green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maging maunawain kung ang mga kasamahan ay mabagal kumilos. Ang taglay na karisma ay mabisang sandata na magagamit ngayon. Matutuklasan ang taong may lihim na paghanga o pag-ibig. May magandang balita o bagay na matatanggap. Ang pagsisikap ay hindi masaya at magdudulot ng malaking pakinabangan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 11, 21 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Ang sama ng loob sa minamahal tungkol sa mga bagay sa tahanan ay magkakaroon ng solusyon. Madali kang mauunawaan at anuman ang iutos ay madali kang susundin. Ang pagbibigay ng payo sa kaibigan o kamag-anak tungkol sa pag-ibig o anumang bagay ay mgiaging mabisa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 26, 34, 37 at jade green.

vuukle comment

PEBRERO 23

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with