^

Kutob

Pebrero 19, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makagawa ng makabuluhang bagay alinsunod sa talino at kakayahan. Kailangan ang dagdag na kilos sa araw-araw na gawain kung ang hangad ay kaunlaran. Sa pagsasaya, sika-ping ilagay sa pinaka-mababa ang paggasta. Simulan ang magtipid at mag-impok para may magamit sa panahon ng pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 15, 13, 39 at turquoise.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Manghingi at ikaw ay bibigyan, ngayon ang panahon para humirit ng dagdag na sahod. Mahalaga ang makinig sa payo ng mga magulang. Maaasahan ang mga kaibigan. May kahirapan na pakibagayan ang mga kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 2,9, 14, 38 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Maipapakita o kusang lilitaw ang katalinuhan at kakayahan sa gawain. Ang mahal sa buhay ay makakatulong sa paglutas ng kasalukuyang problema. Bigyang halaga ang kalusugan. Iwasan ang labis na pagpupuyat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 26, 37 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Tatambakan ka ng gawain ngayon. Pero magiging masayahinkahit na madaling mapipikon. Maisasaayos ang relasyon sa taong nakasamaan ng loob kung bibigyan ng pansin. Iwasan ang sugal at tsismis dahil walang mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 10, 22 at fuchsia.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Higpitan ang sinturon sa pagbabadyet at iwasan ang pagyayabang sa marangyang gastusan. May suwerte sa negosyo kung magsisi-mula ngayon. Mag-ingat sa labis na pagkagiliw sa mga matatamis at maaalat na pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 27, 31 at citrus yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang pinansyal ang panguna-hing problema. Ang pakikipagtalo tungkol sa pera ang sisira sa katahimikan ng tahanan. Mahalagang harapin ang gawain na matagal nang hindi natapos. Hinihingi ng panahon ang pagdaragdag ng pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 6, 38 at chinese blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang anumang uri ng pakikipagsapalaran. Panatilihin ang mainit na samahan sa loob ng tahanan, sa kaibigan at sa mga kasamahan sa trabaho. Iwasan ang argumento dahil maaa-ring mauwi sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 24, 36 at green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Pansamantalang may kabagalan ang negosyo. Ang pamimili at pagbebenta ay hindi inaayunan ng panahon. Maging maunawain at mahinahon sa pagharap ng problema. May suwerteng darating sa mga susunod na araw. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 13, 29 at lavender.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Pagsikapan na matakpan ang mga kompromiso. Maging tapat sa pagsasabi kung ano ang nasa kalooban at damdamin. Huwag ilihim ang mga bagay na ibig sabihin. Ang gawain ay magtatagum-pay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 22, 32 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Tanggapin ng buong puso ang mungkahing ibibigay. Ang aktibidad na may kinalaman sa kaibigan ay ipagpaliban. Ang mga kaibigan ay hindi maaasahan ng tulong na kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 11, 19, 29 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang sosyalan ang iiral ngayon. Sikapin na mapaligaya ang mahal dahil may pagtatampo. Bigyang ha-laga ang mga aktibidad na pangtahanan at sa pinapasukan. Isipin na walang nakita at narinig sa mga nangyari. Lucky numbers at color for the day ang 5, 9, 29, 41 at jade green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang magkasalungat na opinyon ang magbibigay daan para pumagitna ka sa usapan. Huwag maniwala agad sa impormasyong matatanggap. Magkakaroon ng magandang relasyon sa bagong kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 22, 40 at maroon.

vuukle comment

PEBRERO 19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with