Pebrero 14, 2019

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Nasa trabaho ang pag-asa para maging masagana ang buhay. Alagaan nang buong husay ang kasaluku-yang trabaho. Iwasan ang pagkamainggitin sa kapwa para hindi danasin ang paghihirap. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 36, 40, 42 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang hindi paglimot sa pagdarasal sa tuwina ay magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Kailangan ang matibay na paninindigan. Matutong manalig sa sari-ling kakayahan at desisyon. Makakakilala ng magiging bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 22, 33, 41 at maroon.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Katamtaman ang pag-unlad ng negosyo. Kakailanganin ang pagkakaisa ng pamilya. Ang pagsisikap ay magbibigay ng kaluwagan sa kahirapan. Ang kasintahan o minamahal ay magiging maunawain. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 19, 39 at dollar green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Bawasan ang maging mapaghanap sa mga kasamahan kaugnay sa gawain at sa ta-hanan. Pagmumulan ng pagtatalo ang isang matagal nang isyu. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 20, 31 at white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maaaring may pagtatalo sa mag-asawa, magkasinta-han, kaibigan o kasamahan. Pakinggan ang kutob ng kalooban at ito ang dapat gawin. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng puwang ang kalungkutan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 28, 38 at aquamarine.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang kawalang sigla ay magiging dahilan sa pagkakamali at magiging antukin. Suriing mabuti bago magpahalaga ng payo. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Maging maingat sa pagkilos at pana-nalita para hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 25, 37, 40 at tangerine.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) May ilang kasamahan sa gawain ang maghahanap ng iyong atensyon at pang-unawa. Makakatanggap ng liham o tawag mula sa isang kaibigan sa abroad. Ipapakilala ng kaibigan ang taong magiging kaugnayan sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 41, 42 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Isang kapatid o kamag-anak ang matutulungan. Upang maging maaliwalas ang panahon, sundin ang kutob. Iwasan ang tsismis para hindi danasin na mabutas ang bulsa at mabaon sa utang. Lucky numbers ay color for the day ang 18, 31, 40, 42 at midnight blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Iwasan ang mga kaibigang maluho, tiyak mapapasubo sa malaking gastusan. Sikaping maging masaya sa kabila ng kaunting suliranin. Huwag padala sa sulsol ng mga kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 23, 25, 39 at magenta.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kasipagan ay magdudulot ng kasaganahan. Ano man ang gawin, may pakinabang na aanihin. Ang konsentrasyon sa anumang bagay ay dapat ituon para makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 25, 36 at sun yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang Leo ang magbibigay ng kasiglahan subalit isang Aries ang magiging dahilan ng sakit ng ulo. Ang maging mahinahon at mapagparaya ay sadyang tawag ng pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 31, 34, 42 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Huwag ipilit ang bagay na mahirap tanggapin. Ang maging malihim ay tawag ng pagkakataon. Ang na-ging suliranin sa nakaraan ay may kalutasan. Iwasan na mag-init ang ulo para hindi masira ang araw. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 34, 41 at yellow.

 

 

Show comments