Pebrero 12, 2019

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maraming dapat gawin pero ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong makakabuti kung makuha ang suporta ng pamilya sa mga binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balita na ikakaligaya o ikalulungkot mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 36, 41 at aquamarine.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Magandang balita dahil ang mga hinanakit ay mapalitan ng kaligayahan. Huwag paniwalaan ang pamimika at pang-aasar ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak hindi magkakamali. May pagkakataong mapaunlad ang samahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 30, 34 at midnight blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Isang kaibigang Virgo ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. May pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban kung ano ang desisyon para mapag-aralang mabuti. Huwag magpaluwal ng pera o ano mang bagay mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 24, 39 at platinum pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magandang balita tungkol sa pag-ibig, dahil magiging masaya at walang problema. Subalit mag-ingat sa pagpapahayag sa taglay na hinanakit at baka hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ang 7, 12, 32, 40 at orange.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Bad news dahil nasa signos ang aksidente, kaya iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Iwasan ang maglakbay ng malayo lalo na kung tatawid ng dagat. Hangga't maaari, manatili sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 37 at ruby red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Good news dahil magiging mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan. Gumawa ng tahimik at pairalin ang pagtitiyaga. Makakatagpo ng mga bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal. May biyayang naghihintay mula sa trabaho o negosyo. Maging alerto. Iwasan ang masangkot sa argumento. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 22, 34 at violet.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Nasa panig ng kaunlaran ang kalagayang pinansyal. Pag-aralan nang mabuti ang mga bagay na dapat pagdesisyunan. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan. May pagkakataon na maging saksi ka sa isang pangyayari na hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 24, 33, 39 at white or dirty white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang mapangako. Maganda ang panahon sa mga namamasukan, dahil mapapalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang maglakbay. Iwasan na mapasubo sa pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa manloloko o mandarambong. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 21, 39 at light green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Umaayon ang panahon sa pagpaplano ng magandang paraan para sa ikauunlad ng sarili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Malamang makadalo sa simpleng okasyon ng kapitbahay o kaibigan. Hindi angkop ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 31, 38 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang sikretong itinatago ay malaman ng iba ay malaman ng iba sa hindi pa napapanahong pagkakataon. Ihanda ang sarili dahil susubukan ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating, pero ito’y maaalintana lamang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 11, 36 at emerald green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Malakas ang ESP kaya ang kutob ay dapat sundin. Kailangan ang pakikibagay sa mga nakakataas sa tungkulin. Iwasan ang magpalalim ng gabi sa labas ng tahanan. Huwag maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 29, 32 at lavander.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May pagkakataon na mapapabuti ang kalagayan pinansyal. Matutong manindigan sa sarili at laging isaisip ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang magiging karanasan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.

Show comments