^

Kutob

Pebrero 09, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging abala ka sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin ang kapaguran sa gabi, subalit kaligayahan ang madarama dahil sa rami ng good accomplishment. Malamang may kaunting suliranin tungkol sa anak ang malalaman, pero madali namang matutugunan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 38, 40 at fuchsia.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung gipit sa pinansyal, madali itong matutugunan ng kamag-anak o kaibigan dahil maaasahan mo ang kanilang tulong. Pero tiyakin na nasa tama ang pag-uukulan ng tulong dahil kabaligtaran ang mangyayari kung sa kalokohan ito mapupunta. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at biege.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Walang stability ang tungkol sa negosyo. Akyat-baba ang benta, pero huwag mawalan ng pag-asa dahil maka-kabawi sa darating na araw. Hangga’t maaari, iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget nang mapagkasya ang mga kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 32, 43 at red.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Ang plano sa pagbabyahe ay ipagpaliban dahil prone ka sa aksidente ngayon. Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay, mag-ingat at iwasan ang maglakad kung saan-saan. Makakabuti kung paglalaa-nan ng oras ang mga gawaing bahay. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 28, 36 at pearl white.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Kung may hinihintay, darating maliban lang kung tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi, anuman ang desisyon kaugnay sa gawain, pag-isipan at pag-aralan nang mabuti bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 24, 27, 33, 42 at lilac.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masaya ka dahil walang magiging problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam, subalit ipinapayo na bigyang-pansin ang kapa-kanan ng kalusugan, dahil magiging mahina ang resistensya. Magpahinga kung pagod na. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 33, 44 at light yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Sipag at matinong pag-iisip ang tanging puhunan para umunlad. Ang madalas na pagwawalang-bahala ay baguhin. Kung makakarinig ng salita laban sa’yo, huwag mag-react para maiwasan ang gulo. Dedma ka lang! Lucky numbers at color for the day ang 3,16, 24, 38 at purple.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malamang ngayon ang panahon na makatagpo ang soulmate o twin flame. Kung sakaling titibok ang puso, ma-lamang siya na nga ang perfect partner. Kung may magsisimulang manligaw sa’yo, gawan ng paraan na hindi makakawala. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 25, 34 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung may nawalang gamit sa loob ng tahanan, walang ibang kumuha kundi ang taong malapit sa’yo. Kung alahas o pera, Malabo na itong maibalik. Kapag umalis ng bahay, huwag magsuot ng mahalagang alahas. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 30, 37 at dark blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Nasa tamang landas ang pag-unlad. Congratulation! Kaya lang ang paminsan-minsan na negatibong  pag-isip ay tinik na nagpapabagal ng kaunlaran. Kung ano ang binabalak gawin, sugod at simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ang 23, 37, 40, 45 at eme-rald green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Labanan ang maging masungit at magagalitin dahil ito ang hadlang sa lumalandas na swerte. Kung magi-ging masayahin, ang taglay na suliranin ay magkakaroon ng tamang solusyon na kusang darating. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 38, 43 at oak brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magandang oportunidad na darating kaya siguraduhing laging bukas ang linya ng komunikasyon para hindi makaalpas. Kung may pinag-usapang transaksyon sa nakaraan, ngayon ito mabubuo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 21, 29, 42 at tangerine.

vuukle comment

PEBRERO 09

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with