^

Kutob

Agosto 16, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hindi magandang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o pag-ibig. Anuman ito, huwag hayaang makaapekto nang husto sa sarili at malalampasan din ito. Nasa tabi lamang ang solusyon sa sariling suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 24, 35 at maroon.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal. Upang makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan ang sinisinta nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 24, 39 at peach.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Ang kakaibang nararamdaman sa katawan ay dahil sa pagbabago ng panahon. Ngunit ipinapayong bigyang pansin ang kalusugan para hindi lumala at tuluyang magkasakit. Kung maliksi ang pakiramdam, ang paglalakbay ay inaayunan ng panahon. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng signos. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 24, 36 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kakambal ng pag-ibig ang tiwala. Kung ikaw ay nagseselos, insecured ka lamang. Ang mabisang gawin ay ipakita ang iyong taos pusong pagmamahal sa gawa at hindi panay salita. Ang maging maalalahanin ay number one para mapamahal ka. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 19, 38 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magbibigay ka ng sakit ng ulo sa kapwa na dapat mong iwasan. Kung wala kang self-control, may mga taong maiinis o magagalit sa’yo. Ang dapat mong gawin ay huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita at maging sa paggawa. Pairalin ang pagkamahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 25, 40 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tandaan na iiral ang iyong pakamayabang ngayon, na dapat iwasan dahil kaiinisan ka nang nakikinig. Ang pagpapakumbaba at pagiging maginoo ay hahatak ng respeto sa iyong pagkatao. Ang kayabangan ay aani ng pagkutya ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Magiging padalus-dalos ka ngayon. Huwag agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak sa sarili kung ano nga ba ang nais. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali at lalong hindi basta-basta. Alalahanin na ito ay pinag-iisipan nang husto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 26, 33, 40 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kailangan na ang mamili, ang magpasya kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang intresado sa’yo ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin o puwede ring ang kasintahan ay yayain ka nang pakasal. Tiyakin na ang pagpapasya ay ginamitan ng puso at pag-iisip. Ang usaping pag-ibig ay ginagamitan ng puso, damdamin at utak. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 30, 42 at almond yellow.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Huwag gaanong maging magastos kahit pa may pera  dahil isa sa mga araw na darating ay tiyak na may pagkakagastusan na napaka-importanteng bagay. Mabuti nang laging may naitatagong pera para sakaling kailanganin, mayroon kang madudukot. Magtipid at simulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 39, 42 at sky blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Hayaan ang sarili na maramdaman ang sarap ng tagumpay. Unti-unti ay makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing at maalalahanin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 30, 41 at tangerine.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Kung gusto mong makausap ang taong nahihiyang lumapit sa’yo, dapat unahan mo nang batiin o kausapin. Ang maging mapagbigay at maunawain ang tanging paraan para mapalapit sa lihim na minamahal. Iwasan ang maging masungit dahil lalayo ang grasya at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Hindi kailangang maging magarbo o magastos para lamang matiyak na maging mataas o maganda ang impresyon ng tao sa’yo. Ang maging natural, maunawain at mabait ay sapat na para makakuha ng maraming kaibigan. Iwasan ang pagyayabang dahil ang balik sa sarili ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 39, 42 at pink.

vuukle comment

KUTOB AGOSTO 16

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with